Cauayan City, Isabela- ” Mas grabe ang sitwasyon [COVID-19] ngayon kumpara sa mga nakalipas na taon.
Ito ang pahayag ni Governor Carlos Padilla ng Nueva Vizcaya sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan.
Ayon kay Gov. Padilla, umaabot lang sa higit sa 300 daan ang mga naitalang nagpositibo sa COVID-19 noong kasagsagan ng pagkalat ng pandemya.
Aniya, muli na namang nanguna ang bayan ng Solano sa may pinakamataas na kasong naitala na sinundan ng Bayombong at Aritao.
Samantala,binawian ng buhay si Board Member Dr. Cirilo Galindez ng South District, N.V dahil sa COVID-19, tatlong araw pagkaraan nitong magpositibo sa virus.
Si Galindez ay nagsilbi bilang Medical Center Chief ng Veterans Regional Hospital (now Region 2 Trauma and Medical Center) hanggang sa tumakbo ito bilang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan.
Sa kabila nito ay tiniyak pa rin ni Padilla ang patuloy na pamimigay ng ayuda sa mga pamilyang apektado ng pandemya partikular sa mga lugar na nakasailalim sa localized lockdown.
Sa ngayon ay nasa 420 ang aktibong kaso matapos maitala ang dagdag na 132 cases ngayong araw.
📸youtube/screengrab