Mas mabigat na disciplinary action, irerekomenda ng House on Ethics Committee laban kay Congressman Arnie Teves

Nakatakdang magrekomenda ang House Committee on Ethics and Privileges ng mas mabigat na disciplinary action laban kay Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves.

Ito ang inihayag ni Committee Chairman at COOP NATCO Representative Felimon Espares matapos nilang dinggin muli ngayong araw ang kaso ng AWOL o absence without leave ni Teves.

Pero hindi pa naman idinetalye ni Espares kung ano ang kanilang magiging rekomendasyon.


Una ng pinatawan ng komite si Teves ng 60 araw na suspension na nagtapos nitong nakaraang Lunes, May 22, 2023.

Tinanggihan din ng komite na lumahok sa pulong o pagdinig nito si Teves sa pamamagitan ng online na paraan.

Ayon naman sa abogado ni Teves na si Atty. Ferdinand Topacio, hahahapan nila ng legal na remedyo anuman ang magiginga aksyon ng Mababang Kapulungan.

Facebook Comments