Isusulong ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa Kongreso ang pagkakaroon ng mas mahigpit na batas laban sa mga namemeke at nagtatago ng mga barya.
Ito ay mula sa kasalukuyang parusa na pagkakakulong ng 12 taon at maximum na multa ng P2 million.
Ayon sa BSP, makikipag-ugnayan sila sa dalawang kapulungan ng Kongreso para maisulong ang nasabing panukala.
Layon ng hakbang ng BSP na maprotektahan ang publiko laban sa hindi makatarungang paggamit ng Philippine currency.
Facebook Comments