Tambalang BBM-Sara, nanguna sa Manila Bulletin-Tangere presidential & vice presidential survey

349

Nanguna ang tambalan nina dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte sa presidential at vice presidential survey ng Manila Bulletin at Tangere.

Isinagawa ang nationwide survey noong Jan. 18 hanggang 19, 2022, na nilahukan ng 2,400 respondents.

Nanguna si Marcos sa presidential candidates na nakakuha ng 57.67 percent habang first choice din ng mga respondents si Mayor Sara na nakakuha ng 53.17 percent sa vice presidential aspirants.


Facebook Comments