Nanawagan ang Department of Health (DOH) na mas higpitan pa ang restriksyon sa mga border control sa bansa.
Kasunod ito ng patuloy na banta ng mas nakakahawang Delta variant na nagiging dominante na sa buong mundo na unang na-detect sa India.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, batay sa obserbasyon ng mga eksperto ay aabot sa 40 hanggang 60 percent na mas nakakahawa ang Delta variant kumpara sa Alpha variant.
Pangalawa, mas prone ang mga pasyenteng ma-ospital kung mahahawa ng nasabing variant na nagreresulta pa ng pagkakaroon ng severe symptoms.
Muli naman ng nagpaalala sa Vergeire sa publiko na maging maingat upang hindi mahawa ng virus.
Facebook Comments