Mas Mahigpit na Checkpoint Kontra ASF, Paiigtingin!

Benguet, Philippines – Temporary Lockdown dahil sa African Swine Fever o ASF sa Benguet, tinanggal na, pero mga Quarantine Checkpoints hihigpitan pa din lalong lalo na sa mga nag-iimport ng baboy sa Probinsya para maiwasa pa din ang banta ng nasabing virus sa rehiyon.

Samantala tumaas ang presyo ng baboy sa Slaughter House dahil sa maliit pag-angkat ng baboy dahil naka-lockdown pa ang ilang probinsya sa Region 1 lalo na sa pangasinan kung saan sila kumukuha, pinakamababang presyo ng baboy ay umaabot ng P5,000 at tataas hanggang P10,000.

ilang mga frozen good vendors ang nangangamba naman dahil pa din sa banta ng ASF pero ayon sa Department of Agriculture o DA Cordillera na hindi kasama ang mga frozen goods sa temporary ban basta may mga ipinakita ang mga nag-aangkat ng certifications ng mga produkto at dapat pasado ito sa quarantine checkpoints ng lungsod para siguradong negatibo ito sa ASF.


Facebook Comments