
Isinulong ni FPJ Panday Bayanihan Party-list Rep. Brian Poe ang pagpapatupad ng mahigpit na regulasyon sa pet cremation at burial services kasunod ng mga insidente ng pagtatapon ng mga bangkay ng aso at pusa sa Bulacan at Cavite.
Nakapaloob ito sa House Bill No. 11785, o panukalang Beyond Pet Loss and Care Act na inihain ni Poe sa House of Representatives kasama ang aktor na si John Arcilla at sina Animal Kingdom Foundation President at Program Director Atty. Heidi Caguioa, at ilan pang fur parents.
Layunin ng panukala ni Poe na maitakda ang malinaw na pamantayan sa cremation at burial services para sa mga alagang hayop upang maprotektahan ang mga pet owner at matiyak ang maayos na paghawak sa labi ng kanilang mga alagang hayop.
Sa ilalim ng panukala, ay bibigyang-diin ang individual cremation, transparency, dokumentasyon, at wastong proseso upang mapanatili ang pagkakakilanlan ng mga labi ng mga hayop.










