MAS MAIGTING NA COST-CUTTING EFFORTS, HINIKAYAT SA MGA OPISINA NG PAMAHALAAN SA DAGUPAN CITY

Hinikayat ng pamahalaang lungsod ng Dagupan ang mas maigting na pagpapatupad ng cross-cutting efforts sa mga tanggapan ng lokal na pamahalaan upang matugunan ang patuloy na pagtaas ng gastusin sa gasolina.

Inihayag ito ni Dagupan City Mayor Belen T. Fernandez kahapon, Marso 16, kung saan binigyang-diin ang pangangailangang mabawasan ang mga gastusin ng lokal na pamahalaan.

Kaugnay nito, inatasan ang General Services Office na regular na mag-ulat ng pagtaas at pagbaba ng presyo ng gasolina upang agad na makapagpatupad ng kaukulang hakbang ang pamahalaang lungsod.

Bukod dito, binigyang-diin din ang mahigpit na pagpapatupad ng waste segregation upang makatipid sa konsumo ng gasolina ng mga garbage truck.

Ayon sa pamahalaang lungsod, nananatiling hamon ang patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina kahit pa ipinatutupad ang mga hakbang sa pagtitipid.

Sa kabila nito, tiniyak ng lokal na pamahalaan na magpapatuloy ang mga serbisyo sa lungsod habang ipinatutupad ang cross-cutting efforts sa iba’t ibang tanggapan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments