Mas maigting na operasyon kontra iligal na sugal pinatutukan ng PNP sa mga chief of police sa buong bansa

Utos ni Philippine National Police (PNP) Directorate for Operations Director Major General Valeriano de Leon sa mga chief of police sa buong bansa na mas paigtingin ang operasyon kontra iligal na sugal.

Ito ay sa harap na rin ang patuloy na operasyon ng mga Peryahan ng Bayan sa ilang bahagi ng bansa.

Ayon kay De Leon, binabalaan nya ang mga chief of police na kanyang paiiralin ang one strike policy laban sa mga police commanders na kukunsitihin ang kanilang mga tauhan na makipag sabwatan sa operasyon ng iligal na sugal.


Payo ni De leon sa mga unit commanders na sundin ang specific instruction mula kay Executive Secretary Salvador Medialdea at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chairperson Royina Garma na bawal na ang pag-o-operate ng mga Peryahan ng Bayan.

Sa ngayon ayon kay De Leon nakakatanggap pa rin sila ng ulat na patuloy ang operasyon ng Peryahan ng Bayan at iba pang iligal na sugal kaya mas paiigtingin ng PNP ang kanilang operasyon kontra sugal.

Pinapa- verify rin ni De Leon sa regional director ng PRO4A na alamin kung totoo ang mga reports na talamak ang iligal na sugal sa Calamba City at ilan pang bahagi ng Laguna.

Sakali namang nabigo ang isang chief of police na mapahinto ang operasyon ng peryahan at iba pang uri ng iligal na sugal sa kanilanng area ay agad masisibak sa pwesto.

Facebook Comments