MANILA – Nagbabala ngayon ang PAGASA sa patuloy na pagtaas ng temperatura ng bansa habang papalapit ang pagpasok ng summer season sa kalagitnaan ng nararanasang El Niño Phenomenon.Sinabi ng Pagasa na ang aktuwal na init na nararanasan ay posibleng aabot sa 40 degrees celsius sa mga susunod na araw.Posible umano itong magdulot ng heat stroke kapag tuloy-tuloy ang aktibidad sa tirik na araw.Ngayong araw, mararamdaman ang pinakamainit na temperatura sa Metro Manila sa 35.8 degrees celsius.Mas titindi pa umano ang mararanasang init ng panahon kapag hihina na ang amihan pagsapit sa kalagitnaan ngayong buwan.
Facebook Comments