Ibinida ni Pangulong Rodrigo Duterte na malapit nang maabot ng Philippine Airforce ang ₱139-B na Horizon Project na bahagi ng Modernization program ng Armed Forces of the Philippines.
Ayon kay Pangulong Duterte, magkakaroon ng karagdagang sasakyan, drones, at mga command and control fixed-wing aircraft na matatanggap ng Philippine Airforce.
Sinabi ni Pangulong Duterte na bago mag 2022 ay makukumpleto na ang horizon projects ng pamahalaan at magiging mas malakas ang AFP pag natapos na ang kanyang termino.
Umaasa naman si Pangulong Duterte na ipagpapatuloy ng susunod na administrasyon ang mga nasimulan niyang programa para sa modernisasyon ng sandatahang lakas at tugunan ang mga pangangailangan ng mga ito.
Nabatid na kabilang sa mga makabagong kagamitan na natanggap ng Airforce ay Air Defense Radar Sytem, FA-50PH flight simulator at inaasahan naman na darating sa bansa ang 6 na A-29b Super Ticano aircraft at Defense Surveillance Radar System.