Mas malalim na imbestigasyon sa pagkamatay ng ilang preso sa riot sa Caloocan City Jail, isinasagawa na ng PNP

Ipinag-utos ni Philippine National Police o PNP Chief PGen. Dionardo Carlos ang mas malalim na imbestigasyon sa pagkamatay ng apat na preso sa riot na naganap kahapon sa Caloocan City Jail.

Kinilala ang mga nasawi na sina Hans Omar, Sherwin Perez at John Patrick Chicko, at isa pang pansamantalang hindi muna pinangalanan habang hindi pa naabisuhan ang pamilya.

Sa ulat, 30 preso ang nasaktan sa riot sa loob ng kulungan.


Batay sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang riot sa mainitang pagtatalo ng mga preso na naglalaro ng kara y cruz.

Matapos maawat ng mga jail guard ang mga nag-aaway na grupo, dito natagpuan ang mga bangkay ng apat na biktima.

Ayon kay Gen. Carlos, makikipag-ugnayan ang PNP sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) para tingnan ang presenya ng “gangs” sa loob ng piitan at posibleng kontrabando na itinatago ng mga preso.

Facebook Comments