Pfizer vaccine na panlaban sa Omicron variant, mailalabas na sa Marso

199

Inaasahang mailalabas na ng Pfizer sa buwan ng Marso ang kanilang COVID-19 vaccine na target ang Omicron variant.

Ayon kay Pfizer Chief Executive Officer (CEO) Albert Bourla, sinimulan na nila ang paggawa ng bakuna laban sa Omicron habang tumataas ang COVID-19 infection sa mga bansa.

Aniya, ang kasalukuyang dalawang turok at booster shot ng Pfizer vaccine ay gumagana naman laban sa Omicron pero mas mainam pa rin kung may bakunang tatarget sa partikular na strain.


Kaugnay nito, sinabi naman ni Moderna CEO Stephane Bancel na bumubuo na rin sila ng booster shot kontra Omicron at maaaring ilabas ngayong 2022.

Facebook Comments