Operasyon ng ilang tanggapan ng Muntinlupa LGU, paralisado matapos maapektuhan ang satellite offices sa sunog sa Starmall

122

Pansamantalang sinuspinde ng Muntinlupa Local Government Unit (LGU) ang operasyon ng ilang tanggapan nito matapos na maapektuhan ang satellite offices nito sa sunog sa Starmall Alabang.

Kabilang sa pansamantalang suspendido ang operasyon ay ang mga sumusunod na tanggapan:

• Muntinlupa Persons with Disability Affairs Office (PDAO)
• Muntinlupa Traffic Management Bureau (MTMB)
• Muntinlupa Muslim Affairs Office (MCMAO)
• Business Permits and Licensing Office – Satellite Office
• National Bureau of Investigation (NBI) – Satellite Office


Ayon sa BPLO Muntinlupa, suspendido rin muna ang pag-iisyu ng Occupational Permit at Health Certificate.

Pinapayuhan din ang publiko na kumuha na lamang muna ng kanilang NBI Clearance sa NBI Main Office sa Maynila.

Facebook Comments