Mas marami at mahahabang volcanic activities, naitala ng PHIVOLCS sa Bulkang Taal

Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng 259 volcanic earthquakes at 236 episodes ng volcanic tremors sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.

Mas mataas ito kumpara sa 102 volcanic earthquakes at 87 episodes ng volcanic tremors na naitala ng ahensya kahapon.

Ayon sa PHIVOLCS, tumatagal ng isa hanggang 22 minuto ang mga volcanic activities, mas mahaba kumpara sa isa hanggang walong minuto na naitala kahapon.


Nakapagtala rin ng apat na hybrid earthquakes.

Nagbuga rin ang bulkan ng steam-laden plumes sa taas na 10 metro mula sa Main Crater at 813 toneladang sulfur dioxide.

Nakataas pa rin ang Alert Level 2 sa Taal Volcano.

Inabisuhan naman ng PHIVOLCS ang mga Local Government Unit (LGU) na patuloy na maghanda sa posibleng pagsabog ng bulkan.

Facebook Comments