
Inabisuhan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang kanilang mga regional at local counterparts na maghanda para sa epekto nang mas marami pang ulang dala ng habagat.
Base sa ulat ng DOST-PAGASA, bagamat wala na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Fabian, magpapatuloy ang monsoon rain sa iba’t ibang bahagi ng bansa hanggang Biyernes.
Batay pa sa ulat ng PAGASA na maliban sa habagat na nakakaranas ng mahinang “La Niña” ang bansa na nagdudulot ng karagdagang pag-ulan.
Ayon kay NDRRMC Chairperson, Defense Secretary Delfin Lorenzana, nasa kalagitnaan ang bansa ng tag-ulan at dapat paghandaan ng publiko ang mga bagyo na regular na dumarating sa panahong ito.
Batay sa huling situation report ng NDRRMC, apektado ng habagat na pinalakas ng Typhoon Fabian ang mahigit 50,000 pamilya o mahigit 202,000 indibidual sa Central Luzon, Calabarzon, MIMAROPA, Western Visayas, Cordillera Administrative Region (CAR), at National Capital Region (NCR).









