Mas maraming free trade agreements, mas makabubuti sa bansa —DEP-DEV

Ayon sa Department of Economy, Planning And Development (DEP-DEV), dapat makipag-ugnayan ang Pilipinas sa mas maraming free trade agreements (FTA) hindi lamang sa Estados Unidos kundi sa mas marami pang bansa.

Sinabi ni DEP-DEV Secretary Arsenio Balisacan na ang pagkakaroon ng FTA sa Estados Unidos ay halimbawa ng isang option upang matugunan ang mataas na taripa na ipinapataw sa mga export ng Pilipinas na ipinadadala sa Amerika ngunit ang pagsasagawa ng FTA sa mas maraming bansa ay maaaring magpalawak pa sa maaabot ng mga produkto ng bansa.

Dagdag pa niya na mas malaki rin ang benepisyo nito sa free trade upang mapalakas ang paglago ng mga lokal na industriya para sa mas mabilis na paglago ng ekonomiya.

Dapat din pag-aralan ng bansa kung paano makikipag-coordinate nang maayos sa mga negosasyon na may kinalaman sa pakikipagkalakalan.

Facebook Comments