
Suportado ni Senator Joel Villanueva ang isinusulong ng gobyerno na pag-amyenda sa Maternity Leave Law.
Sa ilalim ng potensyal na pag-amyenda sa batas, itinutulak na bigyan ng mas maikling oras sa trabaho ang mga ina pagkatapos ng kanilang maternity leave upang mabigyan pa ng pagkakataon ang mga “working moms” na maalagaan ang kanilang mga sanggol habang kumikita.
Bukod dito, hiniling ng senador sa mga kumpanya ang prinsipyo ng shared responsibilities ng parehong magulang at hindi lamang ng mga ina.
Paalala ng mambabatas, ang responsibilidad sa pagpapamilya at pagpapalaki ng mga anak ay hindi lamang para sa mga kababaihan kundi tungkulin din ito ng mga ama ng tahanan.
Hindi aniya dapat hayaang maraming mga kababaihang naiiwang walang trabaho o kaya ay underemployed dahil sa kanila lahat ipinasalo ang responsibilidad at pag-aalaga habang katuwang din para kumita sa pamilya.