MPD, nag-abiso sa isasarang kalsada dahil sa gagawing Meeting de Avance ng isang political party

Nag-abiso ang Manila Police District (MPD) hinggil sa mga isasarang kalsada sa paligid ng Liwasang Bonifacio ngayong araw.

Ito’y dahil sa gagawing meeting de avance ng PDP-Laban mamayang hapon.

Mula ala-1:00 ng hapon ay isasara ng MPD ang Magallanes Drive at southbound ng McArthur Bridge.

Pinapayuhan ang mga motorista na maghanap ng alternatibong ruta lalo na’t inaasahan na magiging mabigat ang daloy ng trapiko kapag nagsimula na ang programa.

Tinatayang libo-libong mga taga-suporta ang magtutungo sa Liwasang Bonifacio kung saan inaasahan na dadalo ang mga miyembro, opisyal at mga kandidato ng PDP-Laban.

Kaugnay nito, nakahanda naman na ang inilatag na seguridad ng MPD upang masiguro ang kaayusan at kapayapaan sa nasabing lugar.

Facebook Comments