Mas maraming military operations laban sa mga terorista asahan na – Palasyo

Tututukan na ngayon ng Pamahalaan ang pagtunton sa mga kuta ng mga terorista sa buong Mindanao.

Ito ay matapos ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at sa Philippine National Police (PNP) na all out war sa mga terorista matapos ang pagpapasabog sa Our Lady of Mt. Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, asahan na ang malawakang military offensive operations matapos ang nangyaring terroristic act noong nakaraang araw ng Linggo.


Sinabi ni Panelo na hindi magdadalawang isip ang mga otoridad na salakayin ang lahat ng kuta ng mga terorista lalo na ng Abu Sayyaf Group at ang mga grupong nakakabit dito.

Sa ngayon ay mayroon nang mga persons of interest ang mga otoridad at nagpapatuloy din ang manhunt operations sa mga lalaking nakita sa CCTV na pinaghihinalaang nagtanim ng bomba sa simbahan.

Facebook Comments