Mas mataas na inflation rate ngayong buwan, ibinabala ng Laban Konsyumer

Nagbabala ang grupong Laban Konsyumer sa mas mataas na inflation rate ngayong buwan partikular sa agricultural at marine products.

Ayon kay Laban Konsyumer President Vic Dimagiba, dahil ito sa bigong pagpapatupad ng Department of Trade and Industry (DTI) at ng local price monitoring councils ng price freeze matapos isailalim ang buong Luzon sa State of Calamity.

Aniya, ang mga konsyumer ang pinaka-maapektuhan ng nasabing pagtaas ng presyo na halos nagsisimula pa lamang bumangon dahil sa sunod-sunod na kalamidad.


Facebook Comments