Pagbubukas ng NCAA Season 96, planong gawin sa Abril 2021

Target ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) na simulan ang season 96 sa Abril ng susunod na taon.

Ayon kay NCAA President Fr. Vic Calvo, plano nilang gawing school-based ang bubble kung saan pinag-aaralang gamitin ang pasilidad ng kanilang miyembro.

Gayunman, nananatiling ‘no vaccine, no play’ policy pa rin ang kanilang susundin para matiyak na ligtas ang student-athletes, coaches at officials.


Nabatid na kabilang ang basketball, volleyball, athletics at swimming sa mga events na gaganapin sakaling magbukas na ang bagong season ng NCAA.

Facebook Comments