Kinwestyon ang Meralco sa Senado matapos maikumpara na mas mataas ang kanilang singil sa mga residential consumers kumpara sa mga nasa industrial o commercial users.
Sa debate sa plenaryo tungkol sa panukalang 25 taon na pagpapalawig ng prangkisa ng Meralco na mapapaso na sa 2028, nagpaliwanag ang kumpanya sa pamamagitan ni Senator Joel Villanueva na sponsor ng panukala.
Tinukoy na sa residential customers nito ay nasa P11.74 kada kilowatt hour ang average electricity rate habang P10.50 naman sa mga commercial clients nito.
Ayon kay Villanueva, mas mataas ang singil sa mga kabahayan dahil mas mahal ang pagpapadaloy sa kanila ng kuryente.
Ito rin aniya at kinikilala ng Energy Regulatory Commission (ERC).
Nangako ang Meralco sa pamamagitan ni Villanueva na sisikapin nilang pababain ang singil sa kuryente at paghuhusayin pa nila ang kanilang serbisyo para sa mga marginalized o mahihirap na consumers.