MAS MURA | DTI Suking Outlet, ipantatapat sa mga mapagsamantalang negosyante

Pinagulong na ang DTI Suking Outlet, isang Producer-2-Consumer Market Program para ipantapat sa mga negosyante na sobrang taas kung magbenta ng pangunahing bilihin.

Sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez na may pagpipilian na ng mga murang bilihin ang mga consumers kasunod ng inilunsad na rolling stores sa Barangay hall sa Commonwealth Quezon City.

Tiniyak ni DTI Secretary Ramon Lopez, na lahat ng presyo ng bilihin tulad ng bigas, meat products, mga gulay at iba pa ay alinsunod sa suggested retail price o SRP dahil direkta na nakukuha ang mga ito mula sa mga producers.


Kasama ng DTI sa proyektong ito ang Department of Agriculture (DA), National Food Authority (NFA), United Broilers Growers Association, rice producers at mga kumpanya na lumilikha ng mga produkto.

Magiging regular na makikita sa ibat-ibang lugar sa Metro Manila ang DTI Suking outlet o rolling stores.

Kasabay nito, may umarangkada din na suking outlet sa Valenzuela at maaring i-duplicate o ilunsad sa iba pang lugar.

Facebook Comments