Patuloy na pinalalakas ng Provincial Agriculture Office ng Ilocos Norte ang mga programa upang itaguyod ang ligtas, sustenable, at produktibong pagsasaka at pangingisda.
Alinsunod dito, hinihikayat ang mga magsasaka sa pagtalim sa ipinatupad na mga responsableng hakbang tulad ng tamang pagtatapon ng chemical waste at pagtatanim ng puno upang mapanatili ang kaayusan ng kalikasan at mabawasan ang panganib ng pagbaha at landslide.
Layon nitong maitaguyod ang halaga ng parehong ligtas at maunlad na pagsasaka para sa pangmatagalang tagumpay sa sektor ng agrikultura sa lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








