Caloocan – Ikinatuwa ni Police Senior Superintendent Jemar Modequillo ang lumabas na survey hinggil sa pangunguna ng Caloocan PNP bilang pinaka-pinagkakatiwalaan, pinakanirerespeto, at pinakamaaasahan ng publiko sa lahat ng Police headquarters sa Metro Manila.
Ayon kay Modequillo, resulta ito ng pinaigting nilang operasyon kontra krimen sa lungsod mula ng mapalitan sa pwesto ang dating mga nakaupo dito.
Sinabi din ni Modequillo, mismong sila ang lumalapit sa mga mamamayan para iparating at ipaliwanang kung ano ang totoong programa ng PNP sa kabila ng maraming isyu.
Nabatid na base sa survey na isinagawa ng NAPOLCOM mula Oktubre hanggang Nobyembre 2017, lumabas na nakakuha ng 95 percent rating ang Caloocan Police pagdating sa suporta mula sa publiko.
Nasa 88.8 percent naman ang rating nila sa public trust and respect at police response habang nasa 88.6 percent rin ang kanilang lifestyle, moral and ethics.
84 porsiyento naman ang nakuha nila sa crime reporting kung saan 81.5 percent pagdating sa public safety.