Mas simpleng pagre-report ng COVID-19 cases, gagamitin ng DOH

Inihayag ng Department of Health (DOH) na gagamit na lamang sila ng simpleng format sa pagre-report ng COVID-19 cases.

Ito ay upang maiwasan na ang pagkalito sa mga inilalabas na bilang ng mga pasyenteng nagpositibo sa virus.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa gagamiting simpleng format ay hindi na ipapakita kung “late” o “fresh” ang cases at sa halip ay ipapakita na lamang ang mga bagong kaso na pumapasok.


Matatandaang nagsimulang gumamit ang DOH ng “fresh” at “late” cases noong Mayo 29, 2020 kung saan itinuturing na late cases ang mga resultang dumating kapag apat na araw o higit na ang nakalipas.

Facebook Comments