MASAMANG PANAHON | Consular Office sa ilang lugar sarado

19

Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na suspendido ang operasyon ng kanilang Consular Office sa San Fernando City, La Union magmula ngayong araw, October 30 hanggang sa November 3.

Ito ay dahil sa inaasahang paghagupit ng bagyong Rosita gayundin dahil sa paggunita ng Undas.

Payo ng DFA ang mga applicants na mayroong confirmed passport appointments sa mga nabanggit na petsa ay i-a-accommodate sa muling pagbubukas ng consular office ng ahensya sa Lunes, November 5.

Samantala, suspendido din ang serbisyo ng DFA Consular Office sa Santiago, Isabela simula kahapon hanggang November 4 dahil sa kapareho ding rason.

Pinayuhan din ang mga aplikante na magdala ng print out ng kanilang confirmed passport appointment kasama ang ibang requirements sa kanilang passport application & renewal.

Facebook Comments