Masangsang na Amoy ng Bioethanol Plant sa San Mariano, Isabela, Inirereklamo!

*San Mariano, Isabela- *Halos sumakit na ang sikmura ng mga residente na malapit sa Bioethanol Plant sa bayan ng San Mariano, Isabela dahil sa masangsang na amoy na dulot ng planta.

Ito ang inihayag ni Brgy Kag. Luz Zipagan, Chairman ng Committee on Health ng Mallabo, San Mariano, Isabela sa naging panayam ng RMN Cauayan sa kanya.

Ayon sa Kagawad, alas dos pa lamang ng madaling araw ay nangangamoy na ng masangsang ang Lagoon ng nasabing planta.


Nitong mga nagdaang buwan anya ay hindi pa umano ito nangangamoy ng mabaho sa tuwing mag-ooperate ito subalit nitong Linggo lamang anya ay muli nanamang umalingasaw partikular sa lagoon ng nasabing planta.

Nanawagan naman ito sa mga namumuno sa Bioethanol Plant na suriin at aksyunan ang kanilang hinaning dahil marami anya sa mga residente ang mga apektado dahil sa lumalalang amoy ng planta.

Matatandaan na ilang beses na ring inireklamo ang naturang planta dahil sa masangsang na amoy na lumalabas tuwing nag-ooperate ito at maging ang pagbuga ng mga abo na nakakaperwisyo sa mga residente na malapit sa naturang planta.

Facebook Comments