Masbate, muling ginulantang ng magnitude 5.2 na aftershock

149

Niyanig ng magnitude 5.2 na aftershock ang bayan ng Cataingan, Masbate kaninang alas-6:00 ng umaga.

Sa datos ng PHIVOLCS, mayroon itong lalim na anim na kilometro at tectonic ang pinagmulan.


Wala namang inaasahang pinsala pero pinapayuhan pa rin ang mga residente na asahan pa rin ang mga aftershocks.

Nabatid na kahapon ay niyanig din ang nasabing bayan ng magnitude 6.6 na lindol na nag-iwan ng isang patay at 27 ang sugatan.

Facebook Comments