Tiniyak ng Department of Health (DOH) na nagagamit na ang mga Moderna COVID-19 vaccine dose na ipinahiram ng pribadong sektor at nakatakdang mapaso sa Nobyembre.
Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, naipamahagi na ang mga bakuna sa mga pasilidad kabilang na sa Central Luzon at Calabarzon.
Aniya, ang ipinahiram na mga bakuna ng pribadong sektor ay sakop ng kasunduan sa pagitan nila at ng pamahalaan para maiwasan ang pagkasayang ng mga ito.
Una nang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na aabot sa 356,000 dose ng Moderna vaccine ang ipinahiram ng pribadong sektor sa pamahalaan.
Facebook Comments