Mass grave ng mga terorista nadiskubre

Isang mass grave ng mga terorista ang nadiskubre ng Task Force Ittihad sa barangay Tee sa bayan ng Datu Salibo Maguindanao. Ito ang impormasyong ipinarating sa RMN Cotabato ni 601st Commanding Officer Lt.Col Diosdado Carreon.
Ss nasabing mass grave ay sama samang inilibing ng mga terorista ang kanilang mga kasamahang nasawi na abot sa sampu bunsod ng pinaigting na operasyon ng militar at Milf laban sa grupo ni Esmael Abdulmalik ng Jamatul Muhajireen Al Wansar.
Sinabi ni Col. Carreon na magpapatuloy ang militar at BIAF-Milf sa paghalughog sa marshy sa bahagi ng SPMS box upang malaman kung meron mga itinayo pang kampo ang ISIS Inspired group ng sa gayon sila ay tuluyan ng magupo ng militar. (Amer Sinsuat)

Facebook Comments