Mass vaccination ng Caloocan City sa Martes, tatanggap ng walk-in

Inihayag ng Caloocan City Government na muling nagtakda ng walk-in vaccination ang Caloocan City Local Government para sa lahat ng magpapabakuna ng first dose sa Martes, September 28.

Sa abiso ng Caloocan Local Government Unit (LGU), lahat ng may edad 18 anyos pataas mula A1 hanggang A5 ay tatanggapin.

Paliwanag ng LGU na hindi na kailangan ang vaccination pass o online appointment para mabigyan ng bakuna.


Ipinababatid din ng LGU sa mga hindi nakapunta sa second dose schedule na maaari din silang magpaturok sa alinmang bukas na vaccination site na mayroong brand ng kanilang bakuna.

Pasisimulan ng alas-8:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon ang vaccination program sa lungsod.

Facebook Comments