
Tuloy ang pagdaraos ng mass wedding para sa mga kababayang San Carlenians sa darating na selebrasyon ng Mango-Bamboo Festival 2026 sa Abril 16. Inaasahang dadaluhan ng maraming magkasintahang magpapakasal sa espesyal na programa ng lungsod bilang bahagi ng taunang pagdiriwang.
Ayon sa Executive Order No. 048-2026, series of 2026, na nilagdaan ng alkalde ng lungsod, binawasan ang orihinal na 22 festival events sa anim na programa lamang. Ito ay bilang tugon sa utos ng presidente ukol sa pagtitipid ng enerhiya dahil sa nagbabadyang krisis bunsod ng giyera sa Middle East.
Kabilang sa mga programang itutuloy bukod sa mass wedding ay ang ilang piling aktibidad na nakatuon sa pagpapakita ng kultura at tradisyon ng San Carlos City. Ang pagbabawas ng mga aktibidad ay inaasahang makatutulong sa mas maayos na pamamahagi ng resources at seguridad para sa mga dadalo.
Nanawagan ang lokal na pamahalaan sa publiko na makiisa at sumunod sa mga patakaran at alituntunin ng lungsod sa selebrasyon. Inaasahan na magiging matagumpay at maayos ang pagdaraos ng mass wedding at iba pang piling aktibidad sa Mango-Bamboo Festival ngayong taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










