Master plan para sa paghahanda sa kalamidad, hinihingi na ng kamara

Manila, Philippines – Ipinasusumite ni House Committee on Metro Manila Development Chairman Winston Castelo ang master plan ng mga kaukulang ahensya na nangunguna sa Disaster Risk Reduction Management.

Dahil dito nais alamin ng komite ang libel ng kahandaan ng mga ahensiya ng gobyerno para tumugon sakaling mangyari ang kinatatakutang The Big One o ang lindol na may lakas na magnitude 7.2.

Partikular na dito ang Metro Manila Development Authority, Office of Civil Defense pati ang Department of National Defense.


Nais na makita ng Metro Manila Development Committee ang master plan ng disaster preparedness para matukoy kung saan din maaaring makatulong ang kongreso sakaling may kulang pa ito.

Katwiran ni Castelo, kung ang magnitude 6 na yumanig kamakailan sa Batangas at kalapit na mga lugar ay nagdulot na ng pinsala, dapat nang asahan na magiging mas mapaminsala ang The Big One kaya kailangan itong paghandaan.

Facebook Comments