Aktress na si Alice Dixson – nahaharap sa pinakamahirap na role sa kanyang buhay

80

Manila, Philippines – Matapos ang Lenten break, agad nang sasabak sa trabaho ang aktress na si Alice Dixson.

Bukod kasi sa upcoming teleserye, sinabi ng batikang aktress na mayroon din siyang gagawing pelikula, kasama ang chinita princess na si Kim Chiu.

Say ni Alice – isang horror movie aniya ang kanyang gagawin kung saan ito na daw ang pinakamahirap na pelikula na kanyang ginawa.

Pero, kahit mahirap ay tinanggap daw niya ito dahil sa kagustuhang makatrabaho ang magaling na direktor na si Chito Roño.

Facebook Comments