Mastermind sa pagpatay kay Percy Lapid, kailangang matukoy bago ituring na lutas na ang kaso

Para kay House Minority Leader at 4Ps Partylist Rep. Marcelino “Nonoy” Libanan, hindi pa lutas ang kaso ng ambush-slay sa mamamahayag na si Percival Mabasa na kilala bilang si Percy Lapid hanggang hindi pa nahuhuli ang mastermind sa krimen.

Hiling ni Libanan sa Philippine National Police, gawin ang lahat para maaresto at mapanagot sa batas ang utak sa pamamamaslang kasunod ng pagsuko ng “self –confessed gunman” na si Joel Escorial.

Sa kwento ni Escorial ay anim sila na kinontrata para gawin ang krimen at binayaran ng ₱550, 000 ng mastermind at ang ‘order to kill’ laban kay Lapid ay nanggaling umano mula sa isang ‘middleman ‘ sa New Bilibid Prison.


Giit ni Libanan sa PNP, imbestigahan ang ‘money transfer’ kay Escorial at sa iba pang mga suspect para matukoy at maaresto ang mastermind.

Samantala, umaabot na sa ₱6.5 million ang reward na inialok sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa likod ng pagpatay kay Lapid, kasama rito ang ₱5 million mula sa Kamara.

Facebook Comments