Mataas na aktibidad sa Bulkang Kanlaon, naitala sa loob ng 24 na oras

Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng sampung volcanic earthquakes sa Bulkang Kanlaon sa nakalipas na 24 na oras.

Ayon sa PHIVOLCS, nagpakawala rin ng mahigit 2,000 toneladang sulfur dioxide o asupre habang nagkaroon din ng mahinang pagsingaw na napadpad sa timog kanlurang bahagi ng bulkan.

Nananatili ang Alert Level 3 sa bulkang Kanlaon at makikita pa rin ang pamamaga sa mga dalisdis nito.

Sa ngayon, ipinagbabawal ang paglipad ng anumang sasakyang panghimpapawid malapit sa bulkan dahil posible pa rin ang biglaang pagsabog ng bulkan kaya’t pinag-iingat pa rin ang publiko.

Pinayuhan naman ng lokal na pamahalaan ng Carlota ang mga residente na magsuot ng mask kung lalabas dahil nagbubuga pa rin ng abo ang bulkan na makasasama sa kalusugan kung malanghap.

Facebook Comments