Cauayan City, Isabela- Ikinaalarma ng Commission on Population (POPCOM) ang maagang pag-aasawa ng mga kabataan na nauuwi sa pagbubuntis.
Taong 2019, nasa 12% mula sa total live births sa region 2 ay mula sa kabataang ina edad 12-19 kung saan tumataas pa sa edad 17-19 ang panganganak ng kabataan habang sila ay tumatanda.
Sa nasabing datos, humingi ng suporta si POPCOM-Region II Director Herita O. Macarubbo upang paigtingin ang kampanya na maantala ang maagang pag-aasawa ng mga kabataan.
Aniya, kailangang tumulong ang mga magulang na ipaunawa sa mga kaisipan ng bata ang posibleng kahihinatnan ng maagang pagsisimula sa usaping sekswal at teenage pregnancy.
Patuloy naman ang ginagawang Pre-Marriage Orientation sa mga ‘woud-be-couples’ para sa kanilang kakailanganing kaalaman at maunawaan ang higit na usapin sa pagpapamilya.