Mataas na opisyal ng CPP NPA NDF na most wanted din sa region 2, arestado

89

Cagayan, Philippines – Arestado sa entrapment operation ang isang mataas na opisyal ng CPP-NPA-NDF na most wanted din sa region 2.

Kinilala ang suspek na si David Soriano, regional secretary ng CPP-NPA northern front sa barangay Camasi, Penablanca, Cagayan.

Si Soriano ay sangkot sa high-profile crimes kabilang na ang pag-ambush sa anim na pulis sa bayan ng Bagao noong isang taon at pagkamatay ni Gonzaga, Cagayan Mayor Carlito Pentecostes noong 2015.

Kasabay ng operasyon laban kay Soriano, umatake naman sa Amulong Police Substation ang nasa 30 rebelde na layong ilihis ang mga otoridad sa pinagtataguan ng suspek.

DZXL558

Facebook Comments