3 katao, patay sa drug operation sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City

88

Manila, Philippines – Patay ang tatlong katao sa drug operation sa dalawang magkahiwalay na lugar sa Caloocan City.

Una rito, nasawi matapos manlaban sa pulisya ang suspek na si Joseph Lumayno sa Bagong Silang Phase 1 sa Camarin.

Arestado rin sa operasyon ang limang kasamahan ng suspek kung saan ang iba rito ay napag-alamang buyer ng droga.

Patay naman sa kahiwalay na operasyon ang dalawa pang drug suspects sa bayan ng Maligaya.

DZXL558

Facebook Comments