Mataas na opisyal ng CPP-NPA-NDF, naaresto ng PNP sa Malolos City, Bulacan

Nahuli ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang isang mataas na opisyal ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army- National Democratic Front of the Philippines (CPP-NPA-NDF).

Kinilala ito na si Solome Crisostomo, 64 na taong gulang.

Ayon kay PNP Chief Police Lt. Gen Dionardo Carlos, naaresto si Crisostomo sa alas-10:00 ng umaga kahapon sa Brgy. Mabolo, Malolos City, Bulacan.


Siya ay hinuli ng pinagsanib na pwersa ng National Capital Region Police Office, Police Regional Office 3, Police Regional Office 4A at Special Action Batallion sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong rebellion.

Ito ay sangkot sa mga panggugulo sa mga komunidad sa Calabarzon at itinuturo ring nasa likod sa pananambang ng mga pulis.

Si Crisostomo ay kasalukuyang may ₱5 million na patong sa ulo.

Dahil naman sa katandaan, sinabi ng PNP chief na binigyan nila ng nurse si Crisostomo para i-monitor ang kaniyang kondisyon.

Facebook Comments