Mataas na Pinuno ng NPA na Namatay sa Tarlac, Tinunton na ng Kamag-Anak

212

Camp Melchor F dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela– Tinunton na ng kamag-anak ng isa sa mga mataas na opisyal ng NPA na namatay sa Tarlac matapos manlaban habang ihinahain ang mandamyento de aresto sa kanila.

Ayon sa nakalap na impormasyon ng RMN Cauayan News Team kay Captain Jefferson Somera, pinuno ng 5th ID Division Public Affairs Office(DPAO) ay nakipag-ugnayan ang kamag- anak ni Victorio Tesorio kanilang tanggapan para maiuwi na ang bangkay.


Si Tesorio ay kilala rin sa alyas na Dong, Rico, Dado, Metro, Ikoy at Reto at siya ang Deputy Secretary at Commanding Officer ng Regional Operations Command ng Komiteng Rehiyon Hilagang Silangang Luzon (KRHSL).

Ang bangkay ni Victorio Tesorio at ng kasama nito na si Lolito Raza, alyas Lanlan, Commanding Officer ng Danilo Ben Command ng Western Command, Northern Front, KRHSL ay kasalukuyang nakalagak sa Lutos Funeral Service na matatagpuan sa Barangay Sta Cruz, Tarlac City.

Napag-alaman na si Victorio Tesorio ay tubong Namnama. Jones, Isabela.

At ang kanyang kamag-anak na tumunton sa bangkay nito ay si Punong Barangay Erlinda Pacatcatin ng naturang lugar.

Ipinahayag pa ni Captain Somera na anumang oras ay puedeng kunin ang mga bangkay sa naturang punerarya ng kanilang kapamilya.

Facebook Comments