Mataas na presyo ng asukal, dahil sa mga mapagsamantalang negosyante – SRA

Iginiit ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na sinasamantala ng ilang trader o negosyante ang presyo ng asukal sa merkado.

Ayon kay SRA Administrator Engr. Hermenigildo Serafica, wala silang police power para masawata ang mga mapagsamantalang negosyante na nagreresulta sa kakulangan ng supply.

Aniya, tatagal pa hanggang Augsut 5 ang supply ng raw sugar habang ang refined ay hanggang July 11.


Sa ngayon, pumapalo na sa P3,250 ang kada sako ng puting asukal mula sa dating P1,500 hanggang P1,700.

Habang tumaas naman sa P2,700 ang kada sako ng pulang asukal mula sa dating P2,000.

Tiniyak naman ng SRA na may parating na 200 metric tons o apat na milyong sako ng asukal sa bansa na mula sa China at Vietnam sa susunod na buwan.

Facebook Comments