Matapos hindi matuloy, Pangulong Duterte susubukan pa rin makapunta sa Marawi City

Manila, Philippines – Matapos ang bigong pagbisita sa Marawi City dahil sa masamang panahon, kahapon.

Muli umanong susubukan ni Pangulong Rodrigo Duterte na makapunta sa lungsod – para damayan ang tropa ng pamahalaan na tumutugis sa mga myembro ng Maute at Abu Sayyaf Group.

Ayon sa pangulo, maitataas niya ang morale ng mga tropa ng pamahalaan kapag nakita nilang kasama nila sa pagtatanggol ng bayan ang kanilang commander-in-chief.


Samantala, hinihintay na lamang ng pangulo ang magiging rekomendasyon ng kanyang security officials kung aalisin na ba ang ipinatutupad na martial law sa Mindanao o palalawigin pa ito.

Sa susunod na lingo, nakatakdang isumite ang Department of National Defense ng kanilang rekomendasyon sa pangulo.

tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments