US at Russia, nagkasundong magkaroon ng ceasefire sa Southern Syria

Manila, Philippines – Nagkasundo si Russian President Vladimir Putin at US Counterpart Donald Trump na magkaroon ng ceasefire sa Southern Syria.

Ito ang naging resulta side talks ng dalawang lider sa kanilang pagdalo sa g20 summit sa Hamburg, Germany kung saan sisimulan ang ceasefire sa July 9.

Ikinatuwa naman ng US President ang resulta ng nasabing pag-uusap.


Maliban dito, napagkasunduan din ni Putin at Trump ang pagresolba sa krisis sa Ukraine.

Facebook Comments