Manila, Philippines – Agad sasalang sa pag dinig si dating Senador Jinggoy Ejercito Estrada ito ay matapos makamit ang pansamantalang kalayaan.
Kanina nagpiyansa ng 1.33 milyong piso ang dating Senador kasunod ng pagpabor ng 5th division ng Sandiganbayan na makapag-piyansa sya.
3 taon nanatili sa custodial center ang dating senador dahil sa kinahaharap na kasong graft at plunder.
Ayon kay former Senator Jinggoy Estrada, sa Lunes sasabak agad sya sa pag sa Sandiganbayan, para sa kinakaharap na kasong plunder.
Sa PNP Custodial Center pa lamang hanggang makarating sa Sandiganbayan, iginigiit ni Jinggoy na sya ay malinis at walang ninakaw sa taong bayan.
Hindi aniya patas at selective justice ang umiiral sa bansa.
Kasunod nito umaasa sya na pati si dating Senator Bong Revilla na nakasama nya sa custodial center ay ang susunod na mapapalaya.
Samantala, susulitin ni Jinggoy ang bawat sandali kasama ang pamilya habang nais din nito na mag-ikot sa buong bansa para pasalamatan ang lahat ng sumuporta at bumuto sa kanya.