Abot sa 140 na assorted firearms ang isinuko sa 6th Infantry “RedSkin” Battalion ng mga local officials mula sa limang bayan sa Lanao Del Sur kasabay ng mas pinalakas na Oplan Reaper o kampanya kontra loose firearms at kriminalidad ng 6th ID.
Kahapon isinagawa ang turn-over ceremony na pinangunahan ng mga alklade ng mga bayan ng Kapatagan, Picong, Marugong, Balabagan at Malabang at 6th IB Commanding Officer Lt. Col. Ruben Aquino ayon pa 6th ID CMO Chief Col. Gerry Besana.
Sinasabing nagresulta ang balik baril sa panawagan ng mga opisyales ng mga nabanggit na bayan mula sa kani kanilang mga kababayan na makiisa sa kampanya ng pamahalaan na isuko ang kani kanilang mga baril at sa inisyatiba ng 603rd Brigade sa ilalim ni 6th ID Commanding General MGen Arnel Dela Vega.
Kasalukuyang nasa custody ng 6th IB ang mga isinukong baril habang sinasabing madaragdadagan pa ito sa mga susunod na mga araw bunsod na rin sa mga pangako ng mga residente at mga opisyales.
6th ID CMO Pics