Matataas na Kalibre ng Armas, Isinuko ng 2 Militia ng Bayan!

525

*Cauayan City, Isabela- *Isinuko ng dalawang militia ng bayan ang ilang matataas na kalibre ng baril sa mismong pamunuan ng 95th Infantry Battalion, 5th Infantry Division, Philippine Army na nakabase sa bayan ng San Mariano, Isabela.

Ang mga isinuko ay kinabibilangan ng isang 60 Caliber Machine Gun, isang M14, isang Garan Riffle, isang Carbin, dalawang Caliber 38 at iba’t-ibang mga bala ng nasabing mga baril.


Kabilang rin sa mga isinuko ng dalawang militia ng bayan kagabi ay ang mga subersibong dokumento.

Ang dalawang hindi pinapangalanang MB ay mabibigyan ng tulong mula sa Enhanced-Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng pamahalaan.

Nakatakda namang isailalim sa pagsusuri ang mga nasabing baril upang malaman kung ito’y mga naagaw na armas o mula sa mga tropa ng pamahalaan.

Facebook Comments

From Advertisers