Inikutan ng mga tauhan at matataas na opisyal ng Social Security System (SSS) ang ilang establisyimento sa Quezon City.
Ito ay para magsilbi ng show cause order upang ipaalala na mayroon silang kailangang bayarang kontribusyon ng kanilang mga empleyado.
Sinabi ni Vice President National Capital Region North Division Fernando Nicolas, ang manggagawa ang lubos na maapektuhan kapag hindi nahulugan ng kanilang employer ang SSS contribution.
Dito kasi nakabase ang kanilang benepisyong makukuha tulad ng pension, maternity benifits loan at marami pang iba.
Ngayong araw ay 10 employer ang iikutan ng SSS para masilbihan ng notice.
Unang inikutan ang Steel Network Construction sa Regalado Highway sa Quezon City.
Isa rin sa 10 iikutan ay may ₱4.6 milyon na hindi nabayarang kontribusyon sa SSS para sa empleyado.
Nabatid na 68 na race o run after contribution evaders na ang kanilang naisagawa sa buong bansa habang 13 naman ang dito sa NCR.
Sinabi ni Voltaire Agas ng SSS Executive Vice President Branch Operation Sector na kapag bigo pa rin tumugon ang mga employer ay ipapatupad na nila ang batas kung saan magsasampa sila ng kaso.
Ito ay maaari silang makulong ng 6 na taon at isang araw hanggang sa 12 taon.